Pero natawa na lang sa sarili dahil pwede kaming pumasok at manood ng sabay. Oo. Dahil ang Classroom namin ay sa Subconscious.
Sa subconscious kami nagbabasa ng PDF o kahit paanong format nila ibinigay ang readings. Sa subconscious din kami tumatawa, nagrerecite, nagbibigay ng opinion sa binabasa at gumagawa ng matinding argument para ipasa sa Discussion Board o Assignments pag sabado.
Para sa amin, isang kaibigan at kalaban si Subconscious. Dahil pwede niyang ipakitang nag-aaral kami kesyo nakabukas ang website, pero nagfafacebook lang talaga. Kaibigan naman namin siya dahil kung motivated siya sa subject ay hindi niya bibitawan ng pagbabasa at kukulitin kaming magsearch pa ng related articles sa internet bukod sa given. Minsan para siyang apoy na pag nasindihan ay kakalat hanggang sobrang passionate na namin sa subject at nakakalimutan na ang social life. Kaya hindi napipigilang bumuo ng opinion sa labas ng mundo na hindi na maarok ng iba normal.
Natatawa lang ako at nahihiwagaan dahil ang bata at matandang ako ay nagsama sa isang banda para manood ng Aldub at Magbasa ng Noli Me Tangere na ngayon at tapos ko na.